Sunday, November 1, 2009

MALIGAYANG PAGTATAPOS, TATAY

Lolo kung siya’y tawagin ng iba,

Tatay naman ang malalapit sa kanya

Isang pambihirang lakas, ang iyong makikita

Sa kabila ng karamdaman, ewan… sadyang may himala.

Sa pagbubukang liwayway, heto na’t umaarangkada

Tinutungo ang kusina’t, kape ay magtitimpla

Ngunit bago pa iyon, kayrami nang nagawa

Madaling araw pa lamang---kasarapan ng tulog siya na’y nagbobomba.

Ingay mula sa poso, mga katoto siya ng lumilikha

Pasasalamat naman ako’t ako’y nagising ng maaga

Almusal niya’y kanin, ihahalo sa hot coffee niya

Saka sisimulang isuot ang sapatos-pangtravel na tila original pa.

Maaliwalas na umaga, wari’y ibong lumilipad,

Kay daming kayang gawin, kakahuyan kanya nang tatahakin

Bago pa mag-alas diyes, heto na’t mga prutas ay dala-dala

Minsan nama’y mga sanga, puputulin saka ibebenta.

Tawag ko sa kanya, TATAY BIBO,

Laging parang bagong gupit, sa sarili siya ang barbero,

Sastre ay siya pa rin sa mga damit niyang may punit,

Lahat ginagawa ito, isang kamay lang ang gamit.

Sa maliit na bata’y sadya ring magiliw,

Nandyan sa pisngi nila’y siya’y lagging naaaliw,

Sa mga apo niya’y hindi rin nakakalimot,

Kukuha ng pagkain at sa kanila’y masuyong iaabot.

Perang pension, perang galling din sa pinagbentahan ng sari-sari

May tuwa siya rito, sa mga labi niya’y may ngiti,

Hindi kapaguran, ngunit ito’y libangan

Katulad ng ipinunlang malulusog na halaman.

Ang tao’y may pagkakamali na sa kanya’y nakikita

Katulad ni Tatay minsan siya ay sensitibo na,

Ngunit panandalian lamang, at sa mukha’y maaliwalas na,

Mga batang sanay na sa kanya, tinatawag na Lolo Kala-kala

Sa kanyang mga labi, wala mang salitang nabibigkas,

Ngunit sa puso niya’y alam kong siya’y nagging tapat,

Tapat na ginampanan sa kanya’y iniatas,

Sa Diyos na lumikha, siya lamang ay nagpapasalamat.

Sa mga punong itinanim, ika’y mahirap limutin,

Pumanaw ka ma’t nang-iwan, mga alaala mo’y tulad sa bituin,

Aming matatanaw, masisilaya’t, parang ika’y nandyan pa rin,

Ikaw an gaming lolo, Lolong maalalahanin,

Lolong masipag, matiyaga at sa puso’y nasasalamin

Ang baas ng pagsisikap na di kukupas,

Sa iyong pagpanaw, asahan mong ang Panginoong Hesus ang Iyong Tanglaw,

Kasama at Kapiling,

Sa puso naming naririto’y aming sasambitin,

CONGRATULATIONS SA IYONG PAGTATAPOS, TATAY NARSING!

No comments:

Post a Comment